the philippines i miss…
haaay…
nakamis din pala ang Pilipinas, nung andun ako, reklamo ako ng reklamo na ang init-init tapos ang mahal-mahal ng bilihin pati pamasahe…pero ng umalis ako ay nakakamis din pala ang init (lalo na ngayon na super lamig naman ng pinuntahan ko)
pero sa totoo lng ang namimis ko sa Pilipinas ay yung dating Pinas nung bata pa ako.. o baka dahil sa bata pa ako kaya di ko alam ang totoong kalagayan ng Pinas..
nakakmis noon na ang dolyar ay 25 pesos pa lang kumpara ngayon na 51pesos na.
dati pag may piso ka masaya ka na at makakabili ka na ng pagkain na nakakbusog pero ngayon ang piso ay kulang pa pampamasahe. nakakamis talaga.
nakakmis yung paglalaro ko sa kalsada kasama ang mga kapitbahay ko na super kukulit at masasaya. pero ngayon di ka na makapaglaro sa kalsadang sementado na at masakit higaan.
namimis ko ang mga kalaro ko na kahit anong laro ay geym sila,madapa man o magkasugat. parang ngayon nawala na sila,may kanya-kanyang pamilya na at mukhang nagkakalimutan na.
namimis ko ang mga kalokohan namin kagaya ng pagpunta sa ilog at pagtampisaw sa malinaw na tubig subalit ngayon ang tanging nakikipaglaro na lang sa tubig ay mga dumi ng tao.
namimis ko ang programa namin tuwing disyembre, sayawan at kantahan, pero wala na ngayon dahil wala ng pera na ipangsasabog para sa mga batang nagaabang para makakuha ng pambili ng kendi.
pati ang palaro ng lola at mga ate para sa mga bata na tuwang tuwa para sa premyo..
ngayon, ang Pinas ay iba na.. madami na ang nangyayari na di man lang natin namamalayan. lalo na ang mga kalamidad na nagtutubos ng mga buhay ng mga Pilipino..
siguro madami na din tayong nagawa sa Pilipinas na di nagustuhan ng gumawa nito.
kelan kaya babalik ang mga panahong ganoon..sana pagbalik ko at ng pamilya ko, ganun ang maabutan namin dahil gusto kong maranasan ng mga anak ko ang saya at sarap ng buhay sa Pinas na pinagkalakihan ko…sana…
nakakmis talaga…
